Telenovelas (Mexican, Spanish, Argentinian, Columbian etc)

            
      This is the ultimate throwback list of telenovelas . Though the following were       dubbed/sounded indifferently in Filipino language, these soaps were incredibly amazing.

1      Betty La Fea 

     (Bangs pa lang ni Betty, wow na! Ang telenovela na may make over episode na hindi naman talaga na-make over si Betty. Take note si bff Nicolas hanggang ending ganun pa rin ang look niya :D Who would've thought na naging real life partner ni Betty ay si Hugo 'til 2000 nga lang :D Kahawig ni John Lloyd si Armando. Ang drama na nakakainggit ang super dulas at straight na buhok ni Marce ganundin ang buhok ng bff niya)


22.  La Usurpadora 

     (Kambal hanggang bangs and take note, never nagulo ang bangs niya! Ang galing ng tarayan blues ng kambal.)




33.  Maria del Cielo  

      (Bago pa pinasikat nina Mean girl Lindsay Lohan at Miley Cyrus ang perfect curls na naka-layer, naflip na 'yun a hundred times ni Gabriela Spanic here. Super funny si Marco Duran, kilig much ang bangayan nilang dalawa. Super nakakainis si Brissa)



44.   Rebelde 

     ( Super funny lahat ng characters. Feel na feel talaga ang teeange kilig. Sinundan ko pati album nila as Erreway. kahit 'di ko ma-gets style nila in wardrobe, like ko ang complexity ng characterization at ang ang amazing na pagkakabuhol-buhol ng relationships nila. Who would've thought that Luisana Lopilato, the girl on the left will be Mrs. Michael Buble? Gandara!)




55.  Monica Brava  

      (Kaloka ang papagpapakipot ni Monica here. Gusto ko lang 'yung cap niya.)



6    Las Tontas No Van  Al Cielo 

     (Ang drama na nakakagigil talaga 'yung mga kontrabida. 'Di ko akalain na yung bidang lalaki ay makakasama sa Jane the Virgin. Lessons on plastic surgery are given an emphasis)



7.     Untamed Beauties  

     (Mega feel ko magshorts sa office kasi sa soap na 'to corporate attire ang super ikli na shorts..redundant!  Maganda ang OST na kinanta ng bidang lalaki na si Yahir as Manuel. Nakakashock ang ending ng love story ni Ignacio at Soledad. )



8.  Finding Rodrigo 

       Ang drama na mala-PBB na maiinis ka ng todo sa producer. Naawa ako kay Carmen here. Ginaya ko lang naman ang kilay ni Miss Universe 1994 First runner up Carolina Gomez who played Carmen ayun walang natira sa kilay ko :D Love ko rin ang OST ng drama na ito na Morenamia sang by Miguel Bose.
   




9.   Paloma  

        Ang drama  na gandang-ganda ako sa off-shoulder gypsy dress na bumabalik ngayon. Love ko ang shade ng hairstyle ni Paloma here. Love the scene na for tasting test ang coffee beans. As in nginuya to check the quality and taste. Ang drama na gusto ko ang Cleopatra hairstyle at name ng kontrabida- Berenice) lalo na 'pag binibigkas nila.




10.   Lazos de Amor  
 

      (Pangarap kong hairstyle ay 'yung kay Paula played by Lucero- at the center . Ginawa kong alarm tone ang OST ng drama na ito na kinanta ni Lucero)



11.     Lucila  

      (Kaloka, hindi ko mahanap ang drama na itech.Dahil sa sunflower na nakalagay sa obb pinanood ko ito Natuwa ako sa complexity ng pagpapanggap ni Lucila bilang isang kontesa. Ang kanyang prince charming ay kamukha ni Angel sa Buffy the Vampire Slayer)


12.     El Cuerpo El Deseo 

       (Ang drama na pwede ka magbakod kung ilang beses kasama sa dialogue  ang linya na "Nasaan ang driver?"Kontrabida dito si Rodrigo ng Finding Rodrigo. Ang soap na inakala ko na makakatuluyan ng bidang lalaki 'yung babae)




13.    Nino Felipin  

       (Hindi ko natapos ang drama na ito, hindi ko tuloy nalaman kung nagkita si Felipin at ang nanay niya :(. Like ko 'yung OST niya)


Comments

Popular posts from this blog

iDate

Bandmaster

Pinoy TV Shows