Koreanovelas (Part 2)

Sa sobrang haba ng listahan, eto pa ang kasunod ng mga drama na kakaulit ay pati love songs na ginamit ay laman ng phone ko.

1.     Couple Trouble
(Ang love story between a super rich girl Anna na nagka-amnesia played by favorite girl Han Ye Seul and an ordinary man Oh Ji Ho na nagpanggap as her husband para makapaghiganti sa kanyang kakuriputan. Ang drama na walang nakakakilig na eksena pero maraming nakakakilig na moments. Paano nangyari ‘yun, dapat panoorin n’yo. Memorable ang paghihintay ng snow in summer ni crazy bff ni Anna, ang pagkahilig ni Anna sa go stop game, rice wine at black noodles, ang pagtatago ni Anna ng pera sa iba’t ibang sulok ng bahay, ang hilig niya sa pagtakbo at never niyang pagngiti. Sigh, kasama sa wishlist ko ‘til now ang kinahiligan niyang noodles. Ito rin ang show na ito ang dahilan kung bakit mahilig ako sa plastic wraps, ribbons and ruffles)







2.     Princess Hours 1
( Ang drama na sobrang nainis ako sa male lead na si Prince Lee Shin at female kontrabida played by Song Ji-hyo dahil naawa ako to the max kay Shin Chae-Kyeong . Ang daming beses ako pinaiyak ni hopeless romantic Yoon Eun-hye  at Ju Ji-hoon . Memorable ang tulo laway scene at pagka-addict sa  back hug ng prinsesa …Hindi ko magets ang pagpupumilit niya na  magsuot ng jogging pants under her skirt. In fairness, nakakatuwa ang transformation niya as an ordinary student into a princess. Ito ang drama na nagfocus sa ‘di mapigilang jealousy ng female lead.Love ko hair style ni Yoon Eun-hye here)





3.     Scholar Who Walks The Night
(Ang drama na super love ko ang buong cast, walang tulak-kabigin. First time ko na napanood in a serious drama si Lee Joon Gi at talagang na-amaze ko sa kanyang talent. Naguwapuhan ako sa kanya sa My Girl pero unfortunately hindi ko siya nasundan ng husto.  Eyes pa lang niya, iba’t ibang emotions na naiexpress niya. Galing!Plus Lee Yubi na super funny sa Pinocchio. She’s so cute. Lee So Hyuk as Gwi is also brilliant. Changmin who sang the super birit part na my heart line sa the boys ng SNSD as Prince Yoon is also convincing. Syempre, hindi rin nagpahuli si Kim So-Eun as Myung Hee o Hye Rung na nagustuhan ko sa Boys Over Flowers as Ga-Eul.





4.     Oh My Ghostess!
(Ang drama na nag-uumapaw sa kilig at comedy. First time ko na sinundan  ang outfit ng male lead na si Jo Jung-suk as Chef Kang Sun-woo dahil ang galing niya magmodel. Park Bo-young as Na Bong Sun possessed by virgin ghost Shin Soon-ae played by Kim Seul Gi  is so lovable kaya naman ang hindi maitago ni Chef Kang ang kanyang kilig. Gusto ko ‘yung pakakamix ng suspense sa romance. Nakakatakot si Sung Jae. Amazing din ang support cast. Finally nakapanood din ako ng drama na magkasundo ang female lead at ang first love ng male lead.)





5.     Coffee Prince
(Third drama na sinundan ko dahil sa male lead na si Arthur played by Gong Yoo. Nakakatuwa ‘yung scenes na hindi alam ni Arthur na babae pala si Go Eun-chan played by Yoon Eun-hye.)



6.     Stairway to Heaven
(Ang drama na literal na namaga ang mga mata ko sa kaiiyak. Pinaghalong Winter Sonata at Autumn in my heart.Ang tambalang nakakaparanoid sa lungkot ang carousel, airport at mall pati ang OST na Bogoshipda. Sobrang effective na kontrabida si Kim Tae Hee. Kakatakot na nakakabilib si Charlie. Kakaawa si Park Shin Hye)




7.     Winter Sonata
(Ang drama na napabilib ako sa pagpapabata sa cast into high school. Amazing din ang OSt ng drama na ito.Memorable ang paggamit ng chopsticks at pag-mention sa star na Polaris.Kamukha ni Kim Hyun Joong si Bae Yong-Joon)




8.     Brilliant Legacy
(First time ko na napanood si Lee Seung Gi at Han Hyo-joo . Natuwa ako sa astig na lola ni LSG in this drama. Kakagigil ang stepmom dito ni Han Hyo-joo)


9.     The Heirs
(Syempre hindi ko pinalagpas ang tambalang Lee Min Ho at Park Shin Hye. Magaling ang cast. Magaling ang twists. Surprising si Kim Woo Bin, Bona at Min hyuk here.Bitin ang love story ng nanay ni Rachel at tatay ni Minhyuk. Ang layo na ng narating ni Won from his role in I Need Romance 1.Kakatuwa ang friendship ng mute na nanay ni Cha Eun Sang at nanay ni Kim Tan. Memorable sa drama na ito ang surfing, ang bahay ni Kim Tan sa US na ginamit sa Taken 3, dream catcher, coffee shop na kapareho sa A Gentleman’s Dignity, uniform, designs ng jacket, convenience store, pony tail ni Cha Eun Sang, ang malaBlues clues na notebook ng nanay ni cha Eun Sang at wine.. 'Di ko masyadong paborito si Park Shin Hye :D)







10.                        Boys Over Flowers
(In fairness, very entertaining ang version na ito ng HYD. Buhok pa lang ni Go Jun Pyo, panalo na. Maganda rin ang love story here ni Kim Bum at Kim So-Eun. Maganda rin ang itinapat nila kay Shizuka Todo na si ng Sassy Girl Chun yang played by Han Chae Young. Super cool din ang ate ni Jun Pyo. Natapatan din ang characterization ni Hanazawa Rui though mas maaksyon ‘yung Japanese version, mas stylish naman si Kim Hyun Joong.






Comments

Popular posts from this blog

iDate

Bandmaster

Koreanovelas (Part 1)