Pinoy Tele-sawa

Heto ang listahan ng mga drama na sinubaybayan hanggang sa magsawa :D which did not happen naman since this list includes those na talagang justified ang ending which is very rare in soap operas. Madalas good versus evil ang theme.

1.     Full House Adaptation

(Convincing ang tandem nina Richard Gutierrez and Heart Evangelista. Magaling din ang support cast na sina Pilita Corales,Isabel Oli, Keempee De Leon, Sheena Halili, Rainier and Chariz Solomon.)



2.     Encantadia

(Very entertaining ang introduction ng fantaserye na ito kaya naman no wonder na umariba ito ng husto sa ratings. From production design, costume  and ultimong kakaibang language na inihalo sa dialogues ay “effect” sa audience. Very effective ang cast sa pagportray ng kanilang mga roles: Iza Calzado as Amihan, Sunshine Dizon as Pirena, Karylle as Alena and Diana Zubiri as Danaya)



As of June 2017, katatapos lang ng reboot ng Encantadia at hindi ko nagustuhan kung paano nila pinahaba ang kwento. Patay-buhay ang mga characters, tumutula kung magdialogue ang mga artista, ang favorable lang ay pagpasok ng old cast na may new roles na kaya hindi rin ganun ka-nostalgic. Sa pag-ikot kasi ng kwento parang nawalan ng value ang pagiging sangre at 'yung hawak nilang mga brilyante.

'Yung costume parang spare nung unang serye kaya ngayon lang nilabas. Hindi ko maintindihan kung naglevel up ba yung effects, 'yung location hindi na expand, amazing na nagbuild ng studio for this for the old one kaya I was expecting more this time around.

Overused si Bathaluman Ether at Hagorn na ang characterization ay not suited as extreme nemesis. Si Cassiopeia din overexposed.Madaming loopholes na hindi pwedeng palagpasin.

At ang hate ko sa lahat, walang growth ang characters. Okay sana na iemphasize na ang pinaka-kaaway ng mga sanggre ay sarili nila, na pinaglaruan 'yung vulnerability nila, wala eh hanggang katapusan flat ang stubbornness nila lalo na si Pirena which made the twists sana interesting. Ang running plot nila ay they always needed help para may war scenes palagi which mas epic kung nabuild ng mas maayos.Maganda sana 'yung may little victories. Ang pagkakahati ng tasks, pampahaba lang ng running time tapos 'yung actor 'di pa maka-deliver.

Sorry, disappointed talaga ako sa reboot :(


3.     Sa Sandaling Kailangan Mo Ako

(Though ang timeslot nito ay unusual for a regular drama dahil every Monday lang ito, this is the first Tessie Tomas drama na naging super hate ko siya. I liked her comedy stint sa Abangan ang Susunod na Kabanata kaya was totally surprised na siya she can pull off a kontrabida role. A bit similar to Tabing-ilog role as Eds, Kaye Abad was very memorable in this drama as someone who is very much concerned to the plight of farmers in a azucarera. It is in this drama I followed  Marvin Agustin paired off with Kristine Hermosa and Giselle Toengi with Piolo Pascual.)



4.     Kay Tagal kitang hinintay

(At a very young age na hindi pa exposed sa mga twists and dual roles in drama, I found Lorna Tolentino’s portrayal of Red Butterfly very clever. I liked the complexity of Rica Peralejo’s character and the first team-up of John Lloyd and Bea Alonzo.)




5.     Kung Mawawala ka

(I can’t help but associate this drama with the controversies during Erap’s administration. I liked the complexity of the choices that Sunshine Dizon and Cogie Domingo have to  go through in this drama. Iza Clazado was first introduced in this drama)


6.     Villa Quintana 

(This was the drama na kasabayan ng mga sikat na cartoons sa channel 13 and newscast sa ibang stations. Romeo and Juliet ang peg ng drama but there are no kissing scenes which is amazing on the part of the cast kasi sinundan ko ung growth ng characters. Ang galing ni Donna Cruz and Keempee de Leon here. Maganda rin ang OST ng drama na ito.)


7.     Marina

(Ang drama na na outshine ang bida ng very convincing portrayal nina Malou de Guzman as Dugong plus Cherie Gil, Eugene Domingo and Meryll Soriano. Ito ang serye na maganda ang backstory ng  antagonists.)





8.     Mulawin


(Ito ang  nagpasimula sa primetime soap na pwedeng maging make-believe/fantasy ang theme ng drama at adults ang bida. This Richard Gutierrez and Angel Locsin drama was truly unique mula backstory hanggang finale; may growth ang characters at hindi literal lang ang transformation. Sobrang helpful din ang theme song para sa recall ng drama.)





1.     100 days to heaven

(Who would forget Anna Manalastas played by Xyriel Manabat and Coney Reyes? Ang drama na ibinalik ang spotlight kay Jodi Sta. Maria. Super clever ang pagkakatahi ng story na pwedeng magpasok ng iba’t ibang guest artists without affecting the whole story arc na siyang sinusundan ngayon ng teledrama for kids)




There are soap operas na promising ang attempts pero I find na mas marami ang points na hindi nasustain ‘yung hinahanap mong suspense para sundan ang finale. Most cases of  Filipino soaps, ang haba ng backstory na walang kinalaman sa future/conflict ng character, meron naman na sundan mo lang ang umpisa and the ending kuha mo na ang story , meron namang nadala ng convincing portrayal ng actors or simply ‘yung iba due to fandom. Bihira sa Pinoy soaps ang nag-eeffort sa framing, production design, costume,musical scoring, lighting and editing. May mga drama na magaling lang ang pagkakamarket o create ng hype.

I wouldn’t compare Pinoy drama to other Asian telenovelas since lahat naman may natatagong loopholes din. I just wished that our dramas could have that staying power if only these soaps were available and convenient to watch na swak sa timetable ng mga workaholics at mayroon sanang masipag magscreenshots at magbigay ng review.

Mga Pinoy Soap na I would like to watch or naumpisahan pero hindi natapos…lately na lang naging available sa net ang mga copies o kaya "rewind" sa other channels.

11.     Lobo



2.     Imortal


3.     Minsan Lang Kitang Iibigin


4.     My Binondo Girl



5.    LA Lola


6.     Amaya


7.     Magkaribal


Comments

Popular posts from this blog

iDate

Bandmaster

Koreanovelas (Part 1)