Koreanovelas (Part 3)

Sa ngayon, heto muna ang last part ng mahaba kong listahan. I know there are lots of very lovable kdramas but I sorted out the ones that I have watched a number of times. So para sa huling hirit, dagdagan pa natin ng mga eksenang feeling ko na-deja vu ako sa totoong buhay.



1.     Yong Pal

      (As of this date, ongoing pa ang drama na ito pero talaga namang kakapanabik ang cliffhanger ng bawat episode. Sobrang bilis ng pacing, walang mistaken identity or secret na 48 years bago madiscover, the dialogues are very clear and catchy. Ayoko kay Joo Won before but because of this drama, I liked him a lot na plus favorite girl Kim Tae  Hee is very scary here.. love her as the queen of crocodiles. Stephanie Lee is amazing kaya lang hanggang ep 6 lang siya. Sigh, there are lots of good things to say about this drama, I'll wait for the ending para sa mas mahabang review)





2.     My Girlfriend is a Gumiho

(Super cute ni Shi Min Ah na parang walang sapatos in this drama. Kakainggit siya kumain ng beef. Memorable ang pag-iipon ng chips para may libre siyang beef. Kaloka ‘yung giant chicken stuff toy na regalo ni Dae Wong played by Lee Seung Gi. Nakakagigil din sa inis ang third party sa drama na ito. Cute din ang cameo ni Park Shin Hye here.)











3.     Marriage Not Dating

                (At first, parang hindi bagay si Yeon Woo Jin and Han Groo but the way they played their roles Gong Gi-Tae and Joo Jang-mi, I am amazed plus love and hate ko at the same time ang second leads na sina Jeong jin-woon na napanood ko sa WGM for Yongseo episodes and the super lovely Han Sunhwa. Memorable scene ang pag-ask ng divorce ng nanay ni Gi-Tae then she chose to live with her former mother-in-law and sister-in-law, kakatouch! Dahil sa drama na ito, lalo kong naging favorite ang fried chicken)










4.     Love truly
                (Ang drama na akala ko talaga tatay nung bida ang presidente. Shocked din ako na ang third wheel ay may asawa na si Dr. Jang. Memorable scene ang pag-akyat sa puno ni Eugene. First time ko napanood si Lee Min Ki here and he's really funny kaya sinundan ko siya sa Dalja's Spring.)




5.     To the Beautiful You
                (Like ko si Sulli of f(x) and Min Ho of Shinee kaya pinanood ko ang drama na ito.Though hindi siya super funny like the Japanese version ng Hana Kimi, mas marami naman itong romantic scenes and cool moments. )





6.     Secret Love
              (Ang drama na sobrang solved ako sa ending. Justified!I love the twists pero hindi ang torture sa umpisa ng seryeng ito. Sakit sa heart masyado. Memorable ang birthday scene ni Ji Sung na pinakanta niya si Hwang Jung-Eum tapos sumasayaw siya. It felt weird na ayaw niya ng matamis na tinapay.)




7.     Kill Me Heal Me

       (Another favorite drama which starred the very talented Ji Sung na naging super favorite ko dahil sa guesting niya sa 3 Meals a Day. Kakabaliw siya sa drama na ito lalo na sa revelation na hindi pala siya si Cha Do Hyun. Feeling ko I was the robbed the whole time I was watching this series. Kakaiba hatak ni Ji Sung as Shin Segi. Naiinis ako na natutuwa 'pag si Ahn Yona siya. Ang kulit niya with Omega and Ji)

















8.     Oh Su Jung

      (Love Uhm Jung Hwa's portrayal here of  Su Jung, a very ambitious girl who dumped her boyfriend Karl played by Oh Ji Ho because he failed to pass the bar exam. Karl became a famous golf player and sought Su Jung for revenge.Memorable in this drama ang tips sa pagpapapayat and lessons on how to sell jewelry)




9.     Smile Honey

               ( Ang drama na napatawa ako sa mga linyang "Saan ka?" asked by Lee Min Jung then was answered by Jung Kyung-ho " Nasa puso mo." Those lines appeared as text messages.Memorable ang explanation ng "first". Marinig ko pa lang  OST na Goodbye my Love ni Melo Breeze, panalo na.)




10.                        Bright Girl
            
      (Ang pinakaunang Koreanovela na napanood ko ever kaya Jang Nara will always be special though hindi ko pa rin napapanood ang version niya ng Fated to love you at Mischievous Princess. Sinundan ko ang drama na ito because of the lessons on marketing cosmetics and maganda rin ang OST)



11.                        Marry Him if you dare
              (Though rival ito ng The Heirs, mas nauna ko itong natapos dahil fave ko si Yonghwa and Yoon Eun-hye. I got hooked dahil sa time machine magic ng plot at lessons on broadcasting. I  also love the lipstick shades na gamit sa drama na ito.)







12.                        Heartstring

               (Yonghwa and Park Shin hye together on screen , another jackpot! Sila talaga ang  bet ko sa You're Beautiful.  Kakatuwa din si Minhyuk here. Memorable ang battle scene nila, key chains, bikes and old houses. Ang drama na naghanap ako  ng katulad na style ng bag ni Park Shin Hye pero 'yung super haba niyang skirt, ayy  'di carry..)











13.Tree of Heaven

                ( Just like Stairway to Heaven, napaiyak ako ni Park Shin Hye here a number of times dahil awang-awa ako sa kanya. Feel na feel ko sa dramang ito ang lamig sa Japan. Mas okay si Lee Wan in this drama kaysa sa Stairway to heaven as batang Charlie)







14. Witch Yoo Hee

      (Gusto ko ang transformation ni Han Ga-in as Witch Yoo Hee from very business like na advertising executive into a fashionable one. Love her outfits especially her earrings na chandelier days. Agaw pansin here si Dennis Oh. As always, annoying si Kim Jeong-Hoon as third wheel mula Princess Hours, I need Romance 1 at sa drama na ito)













Will update this list as soon as natapos ko ang Virtual Bride and She Was Pretty :D


Comments

Popular posts from this blog

iDate

Bandmaster

Pinoy TV Shows